HIV

(eyts ay vi)

KAHULUGAN SA TAGALOG

Ito ay daglat.

H.I.V. = human immunodeficiency virus

Ang bayrus na HIV ang nagdudulot sa sakit na AIDS.

A.I.D.S. = acquired immunodeficiency syndrome

Nakakatakot ang magkaroon ng AIDS dahil labis na humihina ang immune system ng katawan kung kaya’t madaling ma-impeksiyon ang pasyente ng iba’t-ibang grabeng sakit tulad ng pulmonya.

Sa karaniwang pamumuhay, napakaraming bakterya at bayrus ang umaatake sa ating katawan. Ang malulusog na tao ay hindi masyadong tinatablan ng mga sakit dulot ng mga bakterya at bayrus. Ang tawag sa ganyang sistema ng katawan ay immunity. Kapag nagkaroon ng problema sa immunity o immune system ng katawan, iba na ang usapan. Ang ordinaryong sipon ay nagiging banta sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *