The Peanut Vendor (1924), a novel in the Tagalog language by Teofilo Sauco
PANGKALAHATANG BUOD: Ang popular na nobelang Ang Magmamanî ay nagtatampok ng mag-inang napaibig sa isang lalaki. Si Luis, na mayaman at guwapong taga-Maynila, ay napamahal kay Ninay, na tindera ng mani, na nakilala niya habang naglalakbay. Nabatid ng kaniyang kinakasamang si Tentay, na di-inaasahang nakita ang retrato ni Ninay, na anak niya si Ninay na iniwan kung saan ilang taon na ang nakalilipas. Nagpasiya si Tentay na iwan si Luis at pumasok sa kumbento. Samantala’y si Luis, na hangad magkaroon ng asawang nakapag-aral, ay hiniling kay Ninay na mag-aral sa kumbento. Naging magkaibigan sina Tentay at Ninay sa loob ng kumbento. Nagkasakit nang malubha si Tentay, at nang nangungumpisal siya sa pari, ang pangwakas na pagbubunyag ay ginawa ni Tentay. Ang pari ay ang ama ni Ninay. Sa gayong pagbubunyag, natagpuan din ni Ninay ang kaniyang mga magulang na pinaghiwalay ng tadhana, at pinagbati naman sa oras ng kamatayan.
Sauco, Teofilo. Ang Magmamani. Manila: Mayon Pub. Co., 1933. Pp. 1-60.
EXECUTIVE SUMMARY: An immensely popular novel, Ang Magmamani, is a story that shows a mother and her daughter falling in love with the same man. Luis, a rich and handsome man from Manila, falls in love with Ninay, a peanut vendor he meets while he is travelling. His mistress, Tentay, accidentally, sees the picture of Ninay and realizes that Ninay is her own daughter whom she abandoned years ago. Tentay decides to leave Luis and enters a convent. Meanwhile, Luis desirous of having a well-educated wife, asks Ninay to study in a convent school. Tentay and Ninay become friends inside the convent. Then Tentay falls ill and when the priest arrives to administer the last rites to the dying, a final revelation is made by the dying Tentay. The priest is Ninay’s father. With the shocking truths revealed, Ninay finally meets her parents separated by fate and reconciled in death.
PAMBUNGAD NA TALA: Sa kabila ng ilang imposibleng pangyayari sa nobela, at marahil sa maselang pagpali ng nasabing insidente, ang Ang Magmamani ay naging pinakasikat na nobelang popular noong ikatlong dekada. Waring taglay ng nobela ang bisa ng nakapagbibigay ng “aliw” at “libangan.” Taglay niyon ang makikisig na lalaki’t magagandang babae, ang simpatikong mga tauhan, ang radikal na pagbabago ng mga kapalaran, ang sapat na gusot sa banghay, at ang nakagugulat na masayang wakas.
INTRODUCTORY NOTE: Despite the number of improbably coincidences that dot this novel, and probably because of the judicious use of these incidents, Ang Magmamani was the runaway winner as one of the most popular novels in the 1930s. The novel seems to possess the required attributes of a work that sells “aliw” or “libangan.’ It has handsome men and beautiful women, sympathetic characters, radical changes in fortunes, enough colorful twists and turns in the plot, and a surprise, feel-good ending.