TILI

tilî: shriek, screech

tumilî: shrieked, screeched

tumitili: is shrieking, screeching


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

tili: sigaw, palahaw, hiyaw

tili: iyaw, hagulhol

tili: irit, palirit


IBA PANG MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

tilí:matigilan; mapatigil dahil sa pagkamangha

tilí:sumandig sa anumang bagay upang hindi mahulog

matilihán, tumilí, natilihan


tilî: malakas, matinis, at nakabibinging sigaw

tilî: pagkanta nang pasigaw


til-î: iyak ng usa


tíli: mamalagi sa isang katayuan o pook

tíli: matakot sa bagay na narinig mula sa kalayuan

magpanatíli, manatíli, panatilíhin


Nagdumali ang pangyayari hanggang sa umuntol sa pag-anas-as ng mga damo ang isang biglang sundot sa binti niya. Biglang umigpaw sa payapang pagyupyop ang pusa. Namulatan niyang isang kumikiwal na mahabang patpating bagay ang nangintab sa dilim. Bumaligtad iyon at pumulupot sa katawan ng pusang itim. “Ahas!” Pumunit ang tiling sigaw niya. May panlalamig na sumakmal sa kanya: naramdaman niyang may sigid na tumitindi sa kanyang binti, parang gumagapang…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *