This word is from the Spanish.
te·le·grá·ma
telegram
mga telegráma
telegrams
A telegram is a transmission of written messages by signal, wire or broadcast.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
telegráma: mensaheng ipinadadalá sa pamamagitan ng telegrapo at karaniwang inihahatid sa anyong nakasulat
telégrapó: sistema o kasangkapan para sa paghahatid ng mga mensahe o senyas sa malayò at nalilikha sa pagsará at pagbukás ng elektrikong sirkito sa pamamagitan ng isang plangka o key
Hanggang mga 1980s sa Pilipinas, dahil sa mahal ang bayad sa telepono, nagpapadala ng mensahe ang mga taong nakatira sa malalayong lugar sa pamamagitan ng telegrama. Bibisitahin ni Nena ang opisina ng serbisyong telegrama sa siyudad niya at doon siya magbabayad para magpadala ng mensahe. Imamakinilya ng kawani ang mensahe. Ihahatid ng ibang empleyado ang nakasulat na mensahe sa pinadadalhan sa ibang lungsod. Nakabalot sa plastic na sobre ang mensahe.
“May dumating na telegrama kanina. Mukhang mula sa Maynila. Bilis at basahin mo. Hindi ko binuksan kasi naka-pangalan sa iyo.”
Minsan umaabot sa mga dalawang araw bago makarating ang telegrama — mas mabilis ito kaysa sa regular na liham na noon ay tumatagal ng mahigit sa isang linggo bago dumating dala ng kartero.
Madalas ang telegrama ay naglalaman ng importanteng mensahe, tulad na pagkamatay ng kamag-anak o iba pa.
Nang bumaba ang halaga ng paggamit ng telepono sa pagtawag sa mga taong nasa malalayong lugar, naging walang kuwenta ang telegrama. Lalo na’t nauso ang mga cellphone at ang serbisyo ng internet (email, Facebook, Skype, Facetime, Whatsapp), talagang nawala na ang utilidad ng telegrama.