tarundon: narrow embankment
KAHULUGAN SA TAGALOG
tarundon: pilapil, hapila, maliit na dike tulad ng nasa bukid
“Hoy, doon nga kayo sa tabi ng tarundon magtakbuhan,” naiinis tuloy na sigaw sa kanila ng isang batang nagpipiko. “Pakialam mo,” sagot ng isa. Kaya dumakot ng alikabok ang unang nag- salita. Inambaan ang sumagot sa kaniya.
Sa Kanluran, naroroon ang mataas na tarundon na pumipigil sa malayang pagdaloy ng tubig patungo sa kapatagan ng Batitang.
Nagulat siya: umaapaw ang tubig sa tarundon.
Dinarupak ng banyaga ang tarundon.