suling: to go to and fro
KAHULUGAN SA TAGALOG
sumuling-suling: lumakad na palingun-lingon
sumuling-suling: tumakbo o lumakad na nagugulumihanan
pabalik-balik, urong-sulong, tila baliw na walang masulingan
Nagsisiyapan at walang masulingan ang mga sisiw.
Napabitin at nakaladkad ng kabayo na walang masulingan sa pagtakbo.
Wala nang masulingan ang mamamayang Filipino. Ang huling takbuhan ay ang mangibang-bansa. Ito ba ang tunay na sagot sa pagdarahop ng sambayanang Filipino?