A speech act is an utterance considered as an action, particularly with regard to its intention, purpose, or effect.
Isang Teorya ng Wika
Ang speech act theory ay isang teoryang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L. Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
Tatlong komponent ang bumubuo sa mga aktong linggwistik sa teoryang ito. Ang mga ito ay lukyusyonari, ilokyusyonari, at perlokyusyonari.
Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y naipapakita sa pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression (pariralang pangngalan) at predicating expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag ng proposisyon.
Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang ilokyusyonari. Mahihinuhang sa pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng komunikatib kompitens na tinatawag din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang agkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.
Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang bagay na kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito’y maaring maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa, kung ang isang tao na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak na magkakagulo ang mga nakasakay sa nasabing sasakyan.
Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa, at ang ikatlo’y may konsikwens.
anong mga katangian ng speech act theory