root word: simulâ (meaning: beginning)
simuláin
principle
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
simuláin: batayang katotohanan o proposisyon na nagsisilbing saligan o batayan ng isang sistema ng paniniwala o pag-uugali o para sa isang serye ng pangangatuwiran
simuláin: tuntunin o paniniwalang gumagabay sa personal na pag-uugali
simuláin: ugali o saloobing naaayon sa moralidad
simuláin: pangkalahatang theorem o batas siyentipiko na may maraming espesyal na gamit sa iba’t ibang larang
simuláin: paninindigan sa anumang kilusang ibig itaguyod o itinataguyod
simuláin: likás na batas na bumubuo sa batayan ng konstruksiyon o pagpapatakbo sa isang mákiná
simuláin: batayang saligan o pinagmulan ng isang bagay
simuláin: batayang kalidad o katangian na nagtatakda sa kalikasan ng isang bagay
simuláin: sa kemistri, aktibong constituent ng isang substance, na makukuha sa pamamagitan ng simpleng pagsusuri o paghihiwalay
Ang mga dalubhasa sa pagsasalin ay hindi nagkakaisa sa mga simulaing dapat sundin sa larangang ito.