SALIMBAYAN

root word: salimbáy

salimbáyan
flitting

To flit or to dart is to move quickly from one condition or location to another.

salimbayang pag-uusap
flitting conversation

KAHULUGAN SA TAGALOG

salimbayan: paglipad paroo’t parito sa isang lugar

ang sálimbayan ng mga pakpak

salimbayang usapan ng mga tao

Salimbayan ang mga putok.

Ang mga bagay na iyon ang salimbayang gumugulo sa isip ni Modesto.

Mukhang bagito siya sa pamumuno sa isang komiteng salimbayang humaharap sa iba’t ibang usaping pang-organisasyon, pampulitika at pang-ideolohiya.

Kailangan ang sipat sa iba’t ibang anggulo upang mabuhay ang salimbayang alingawngaw sa loob ng naturang panahon.

Maaaring ang daloy ng salita mula sa magkabilang pampang ay magbigay ng ilusyon na may nagaganap na salimbayang kultura. Ngunit ang totoo’y namamagitan sa dalawa ang matunog na katahimikan.

Magdamag, salimbayan sa isip ni Lea ang problema sa kanyang pinsan at ang patayan sa liwasan.

Salimbayan ng kasaysayang panlipunan at kasaysayang lokal.

Ang salimbayan ng sayaw ng mga mambabao at ang pangkat na nasasandatahan ng gulok ang magpatingkad sa katutubong kulay ng pelikula. Habang gumagalaw ang mga tauhan, ikinuwadro ito ng direktor sa taginting ng sinag ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *