root word: sangguni (meaning: consult)
mga sanggunian
things used as references
ATLAS
Ang atlas ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong-lupa na matatagpuan sa isang lugar.
DIKSYUNARYO
Ang dictionary ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang mga kahulugan ng isang saita. Nakahanay nang paalpabeto ang mga salita rito.
ALMANAK
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.
ENSAYKLOPEDYA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
sanggunián: pagtuturò sa ibang bukal ng impormasyon o karagdagang impormasyon; marka na nagpapahiwatig nitó gaya ng asterisko
sanggunián: paglalahad, karaniwang nakasulat hinggil sa kakayahan at katangian ng isang tao
sanggunián: tao na tinutukoy na maaaring magpatunay sa kakayahan, katangian, at katulad
sanggunián: lupon na kinokonsulta sa mga bagay na dapat gawin
hello its beautiful reading like this thank you for this
Ano ang thesaurus
Ano ang almanac
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.
Hello! My name is Anthony and i would like to say if you have any apps for this website? I would like to know more about this. Thank you!
Hello! I would like to ask permission from you to use this content for the Self-Learning Module to be used for the learning of pupils in DepEd Kidapawan City Division. I would also like to ask for your e-mail address for formality. I would be very glad to wait for your response. Thank you!