Sa Daigdig Ng Metapora

Ang tulang ito ay isinulat ni Rio Alma.

Sa Daigdig Ng Metapora

Puwede nating itanim ang kamote
Sa hangin at pitasan ng kakawate
O kaya’y isalang sa pugon
At hanguan ng malutong na litson.

Puwde ring buhusan ito ng asido
Pagkatapos palamnan ng kutsilyo
At saka ihain sa misa
Dili kaya’y ihagis sa plasa.

Puwede namang kamote’y gawing pain
Sa pakikipaglaro sa buwaya’t pating
At lalong maganda kung magagamit
Na pasahe paakyat sa langit.

Nagiging kamote lang ang kamote
Kapag kinain mo at saka magtae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *