Itong sipi mula sa tula ni Lope K. Santos ay maaaring tagurian bilang halimbawa ng mga tugmang panudyo.
Talagang totoong habang tumatanda
ang isang dalaga’y nagiging pindangga,
at kung mamatay na’y lalong lumalala
ang mga kulubot at gaspang ng mukha.
Matandang dalaga’y isang balasubas,
may utang sa ina ay ayaw magbayad;
inianak siya at ipinaghirap,
ayaw mahirapan namang magkaanak.
Ang pamagat ng tulang ito ay Matandang Dalaga.
KAHULUGAN SA TAGALOG
tulang panudyo: isang uri ng tula na may layuning umuyam o manudyo
Ang tugmang panudyo ay maaaring manukso, magbiro, mambuska o mangharot.
Halimbawa ng Tugmang Panudyo
Bata Batuta. Isang pera, isang muta.
Tatay mong bulutong, puwede nang igatong. Nanay mong maganda, puwede mong ibenta.

please!give me an example of tulang panudyo,and i want so many