Russia’s “Korabli” in Tagalog Translation

Tagalog translation of Vladimir Vysotsky’s Korabli

 Mga Barko

Ang mga barko’y nananatili sa daungan — saka lumayag,
Ngunit laging bumabalik gaano pa man kasama ng panahon…
Lilipas ang kalahating taon — saka ako’y babalik,
Para lamang umalis muli bago pa man magkalahating taon.

Lahat ay bumabalik — maliban ang ating pinakamatatalik na kaibigan,
maliban ang mga pinakamamahal at pinakamatatapat na babae.
Lahat ay bumabalik — maliban ang mga taong pinakakailangan natin.
Hindi ako nananalig sa tadhana — lalong hindi sa aking sarili.

Ngunit nais kong maniwala na hindi ganoon ang mga bagay,
na ang mga barko ay hindi na susunugin pa para hindi makabalik.
Tiyak na babalik ako — sa mga kaibigan at mga pinapangarap.
Tiyak na aawit ako — bago pa man mag-kalahating taon.


Корабли

Корабли постоят – и ложатся на курс,
но они возвращаются сквозь непогоды…
Не пройдет и полгода – и я появлюсь,
чтобы снова уйти на полгода.

Возвращаются все – кроме лучших друзей,
кроме самых любимых и преданных женщин.
Возвращаются все – кроме тех, кто нужней,
я не верю судьбе, а себе – еще меньше.

Но мне хочется верить, что это не так,
что сжигать корабли скоро выйдет из моды.
Я, конечно, вернусь – весь в друзьях и в делах,
я, конечно, спою – не пройдет и полгода.

– by Vladimir Vysotsky of Russia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *