This word is from the Spanish fundador.
púndadór
founder
The native Tagalog equivalent is tagapagtatág.
KAHULUGAN SA TAGALOG
púndadór: tao na nakatuklas ng isang bagay o kayâ’y nagtayô ng isáng samahán o institusyon
Kilala ang pundador ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong bilang napaka-low-key na personalidad sa mundo ng negosyo — mas gusto niya ng ganoon.
Kaya hindi kabigla-bigla nang tanungin siya sa kung may anong interesting sa kanyang sarili, wala siyang reaksyon kundi ang tumawa.
Sumagot para sa kanya ang kaibigan niyang si Bill Luz, na siyang nagbunyag sa kung ano ang sikretong libangan ni Gg. Tan Caktiong. Ayon kay Gg. Luz, hilig ni Gg. Tan Caktiong ang magdala ng kamera kung naglalakbay, at magaling na potograpista daw talaga ito.