Psoriasis (Tula)

ni Emilyn Araga

Psoriasis

Pagmulat ng mata puro kariktan aking nasilayan
Malayo mula sa aking nararamdamang kapaitan
Bawat araw tinitiis ang hapdi sa aking katawan
Marahil tunay ngang lumayong ginhawa sa katawan

Pagyapak nitong paa dala ang bulong na dinalangin
Dalanging ang taong nagsasalita ay sagipin
Sakit nitong pagbalat at pagdugo akin ay sinapin
Imahe ko’y nagmamapang pula hanggang kita’y baklasin

Tuwing isip ko’y naliligaw ikaw ang aking sandalan
Ako man ay nagipit sa dami ng nakukuhang yaman
Walang matira ni tiwala sa sariling kakayahan
Hanggang akin na ngang mapagtantuhan ang katutuhanan

Sapat na ang iyong salita’y gumuhit sa aking puso
Ikaw ang nagpapalakas sa aking katawan na hapo
Aking hihingin at idadalangin hiling ko’y dinggin mo
Ayokong mapagod pagkat ika’y nagbigay ng pangako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *