PINAGDAOP

root word: daop

pinagdaop: pinagdiit, pinagtagpo, pinag-isa

Pinagdaop ang dalawang kamay sa nangangalam na sikmura.

Lumuhod ako, yumakap sa mamasa-masang aspaltong di ko matantya kung sinasayaran pa ba o hindi na ng mga paa, pinagdaop ko ang mga palad, yumukod ng mababang-mababa, matiim na ipininid ang mga mata at buong kataimtimang nanalangin sa bangaw na ‘yun— bangaw na maliban sa ‘kin ay ang unang sagisag ng buhay na bumulaga sa nalalabi kong katinuan sa masikip , madilim, malamig, at mabahong disyertong ‘yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *