This Tagalog poem is from the early 20th century.
Kundiman…!
Dalagang butihin: Huwag kang humang̃a
kung iyong makitang ang mata’y may luha,
ang kabuhayan ko’y hindi maapula
sa ikatatamo ng̃ tang̃ing biyaya.
kung iyong makitang ang mata’y may luha,
ang kabuhayan ko’y hindi maapula
sa ikatatamo ng̃ tang̃ing biyaya.
Ang luha sa mata’y laging bumabalong,
ang aking damdamin ay linilingatong,
ang kulay ng̃ madla’y malamlam na hapon,
ang ayos ng̃ lahat ay parang kabaong.
Sa aking paghiga’y laging nakikita
ang iyong larawan, dakilang dalaga
ikaw’y maniwalang ako’y umaasa
na di aabutin ako ng̃ umaga.
Kaya’t kung sakaling ikaw’y may pagling̃ap
kung may pagting̃in ka sa imbi kong palad,
ay mangyari mo ng̃ang iligtas sa hirap
ang kabuhayan kong sawa sa pang̃arap.