Sa mitolohiya ng mga sinaunang Griyego, si Persephone (bigkas: persífoní) ay anak nina Zeus at Demeter.
Siya ay binihag ni Pluto at ginawâng reyna ng Hades ngunit pinayagang makabalik sa daigdig tuwing tagsibol at taglagas taon-taon.
Tinatawag din siyang Proserpína ng mga taga-Roma at sa wikang Espanyol.