PARA SA IYO, INAY
(A CELEBRATION OF LIFE… INAY’S 82ND BIRTHDAY!!!)
21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:
__________
Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya
Tungkulin at pagkakataong bigay ng Maylikha.
Ang aming inang si HERMINIA, a.k.a….Hermie
Sinuwerteng makatanggap ng biyayang nasabi
Nagluwal sa mundo ng apat na babae
At nabiyayaan pa ng bunsong anak na lalaki.
Mula nang magkaisip ay akin nang narinig
Kung paanong ang mga ate ko’y pinuspos niya ng pag-ibig
Pagkalinga’t pagmamahal na hindi lang isinatinig
Masuyo ring ipinadama sa kandungan niya’t mga bisig.
Bagama’t nagkasakit ang panganay kong kapatid
Sa pagmamahal nama’y hindi niya ito tinipid
Inaruga’t pinagsilbihan nang walang patid
Sa sarili niyang pamamaraan, pag-ibig ay ipinabatid.
Di ba kahanga-hanga ang kanyang ginawa
Ang anak na di-normal ay di niya ikinahiya
Sa halip na abandunahi’y binusog sa pagkalinga
Inalalayan, tinulungan at inaruga.
Sa kabila ng hirap ng dibdib at dusa ni ina
Datapuwa’t natatakot at mayroon pang pangamba
Iniluwal sa mundo ang anak na pangalawa
Isa na namang sanggol ang tinigib ng pagkalinga.
Modelong ina siyang maituturing
Buong tiyagang nagturo sa kanyang mga supling
Kagandahang-asal at wastong pag-uugali
Itinurong dalhin at taglayin parati.
Isa na namang pagsubok ang matatag niyang binata
Pangatlo kong kapatid, namatay noong baby pa
Isa na namang pait ang iniluha nila ni ama
Pagpanaw ng isang anak na bahagi ng buhay nila.
Bawat dusa…bawat pait…
Bawat pagsubok…bawat sakit…
Mga bagay na ito ang nagturo sa kanya
Tatag ng loob at tapang sa pakikibaka.
Dumating ang sandaling, ako naman ang isinilang
Pagmamahal niya’t pagkalinga’y akin mismong naramdaman
Istrikta ma’t disciplinarian, sa concern ay tigib naman
Ipinunlang pagmamahal, natanim sa isipan.
Sa dami na ng pagsubok na sinabana niya
Pagkakasakit ni Tatay ay isang dagdag pa
Ang taong katuwang niya noon pa mang una
Ay nagkaroon ng karamdaman at kailangang pagsilbihan pa.
Datapuwa’t mahirap ay kanyang kinaya
Pagtayong ama at ina ng pamilya
Naging sandigan ng lakas at tapang namin s’ya
Ni Tatay…nina ate…ko…at ng new baby pa.
Ang pagdating ni Paolo rito sa aming buhay
Ligaya ang dulot, saya ang taglay
Naging source of joy namin, bigay ng maykapal
Isang sanggol na witness din ng kay Inay na pagmamamahal.
Ang pagtawag sa Diyos ay di niya nakaligtaan
Mga biyayang natamo’y patuloy na binibilang
Positibong aspeto ng buhay, ang kanya lang tinitingnan
Ang mga negatibo’y pilit kinalimutan.
Mula noon,,,hanggang ngayon, ang galing-galing ni ina
“She emerged victorious”, ito ang sabi nila
Nagsilbing inspirasyon at modelo ng kababaihan
Naging mabuting asawa’t ina…THE REAL ESSENCE OF A WOMAN!
___________________
21 years after ay ganito pa rin si Ina
17 years na ngang retiradong public school teacher ay active na active pa
Kombinasyon ng karakter ay tunay na kakaiba…
Matapang ngunit compassionate at mapagmahal sa tuwina.
Oo nga’t balo na at iniwan na ni ama
Oo nga’t mag-isa nang tumatayong madre at padre de pamilya
Oo nga’t 82 na at karamihan ng buhok ay puti na
Nanatili pa ring strong, at source ng lakas ng pamilya.
Ang line up of activities niya ay hindi pang otsenta’y dos
Naglilinis, namamalengke, nagluluto, naglalaba
Habilinan pa rin siya ng mga apo sa tuwina
Sa pangsimbahan at pangkomunidad na activities ay tunay ngang go na go pa.
Eto po ang inay ko, sobra-sobrang aktibo
Ngunit nananatili pa ring ina namin, mapagmahal na biyenan at nanay ng mga apo
Sa pagmamahal, concern at pagsuporta, ang puso niya ay tigib na totoo
The best ka talaga Inay, sa iyo kami ay saludo!
Eto pong si Inay ay parang si Wonder woman
Kung kami ay may problema at siya ay aming lapitan
Makikinig, magpapayo at magpapalakas ng aming kalooban
Magdarasal, may gagawin and after some time… AYOS NA, OK NA ang turan.
We don’t know how would it be kung hindi siya ang aming Inay
Maalalahaning tunay at palagi naming karamay
Maaaring binigyan kami ng Diyos, ng mga trials sa buhay
But He made them easier, kasi He gave us our Inay.
By: Marilou H. Anila