pang + turo
pan·tu·rò
used for pointing
pan·tu·rò
used for teaching
wikang panturò
language of instruction
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
panturò: kasangkapan, pamamaraan, materyales na ginagamit sa pagtuturò
panturò: bahagi ng isang orasán, metro, timbangan, o katulad na nagtuturò ng oras, habà, o timbang
wikang panturò: ang wikang ginagamit sa pagtuturo
Sinasabing para sa mga asignaturang may kinalaman sa agham o matematika, mas mainam kung gagamitin ang Ingles bilang wikang panturo. Sang-ayon ba kayo?
Malayang nakapagpapasya ang mga Pilipino sa pagpili ng isang pambansang wika habang ginagamit ang English bilang panturong wika sa edukasyon sa ilalim ng batas at pamahalaang Komonwelt.