DARANGAN

Ang Darangan ay epiko ng Maranaw. Isa ito sa matatawag na matandang epiko ng Pilipinas.

Kahit na sinunog ng mga Kastila ang mga kasulutang Pilipino na kanilang natagpuan sa kanilang pagdating, ang Darangan ay hindi naparamay, manapa’y ito ay natirang katunayan ng pagkakaroon natin ng sariling panitikang hindi hiram. Ang Daragan ay nakalimbag sa matalinong kaisipan ng mga makatang Maranaw.

The Darangan of the Maranao is recognized by UNESCO as a Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity.


Walang nakatatalos kung sino at kung kailan sinulat ang Darangan. May mga nagsasabi sa mga Maranaw na ito ay inaawit na ng mga makata ng Lanao del Sur hindi pa man dumarating sa Pilipinas ang Mohamedanismo noong 1830. May naniniwalang ito’y maaaring nag-ugat noong panahon ng “Madjapahit Empire” ni Raden Widyaya ng taong 1293 pagka’t ang kapangyarihan ng mga conqulstadores na Malaya ay nakarating noon sa Lanao.


May dalawampu’t-limang kuwento ang Darangan. Ito’y pinagsama-sama at naging isang Symbolic Epic (tulang naaawit). Ang bawat kabanata ay naglalarawan ng di-pangkaraniwang kasaysayan ng pag-ibig katulad ng sa “Arabian Nights”.

Ito ay binibigkas ng matatandang makata ng Maranaw mga labing-apat na gabing sunod-sunod. Ang mga manonood upang malaman ang buong kasaysayan ay dapat makinig sa loob ng dalawang linggong singkad.


Ang epikong ito ay naglalarawan ng pagkawala ng kaharian ni Bambaran at ng matandang tahanan ng mga Maranaw. Itong kahariang ito ay natagpuan sa Cotabato sa Mindanao sa panahon ng panunungkulan ng unang Sultang Diwatanda-o Gibon. Siya ay pinagpala ng mga Diyoses. Ang kanyang mandirigma ay matapang, malakas at mabagsik sa labanan, katulad ng bagyo sa Malasya, samantalang ang kanyang mga kababaihan ay maganda, mahinhin at animo’y mga bituing kumikislap sa dilim ng gabi.

Ang labanan sa baybayin ng Sagorongan ay nakakahalintulad ng “Trojan War” (isang labanan ng sinaunang Griyego para sa pagsagip kay Helen).

Ang Darangan ay kakaiba at kapuri-puri dahil ang mga nanalong bayani sa kuwento ay hindi pumatay ng kanilang mga bihag, hindi tulad sa Iliad at Ramayana.


The Darangan relates the adventures of a warrior-prince named Bantugan, who was the brother of the chieftain of a village called Bumbaran.

Bantugan owned a magic shield, was protected by divine spirits and was capable of rising from the dead.


spelling variation: bantugen

One thought on “DARANGAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *