root word: pinid (close, not open)
pampinid na panipi
closing quotation mark
mga pampinid na panipi
closing quotation marks
mga pambukas na panipi
opening quotation marks
Kapag napakahabà ang sinipi, ibig sabihin, mahigit isang talata kung tuluyan o mahigit isang saknong kung tula, nilalagyan ng pambukás na panipi ang bawat simula ng talata o saknong.
Sa kabilâng dako, nilalagyan lámang ng pampinid na panipi ang dulo ng panghulíng talata o tula.
Narito ang isang sipi na may tatlong talata:
“Isang katangian ng mahabàng tulang pasalaysay noon ay ‘anakronismo.’ Sa tingin ng makabagong kritiko, ito ang pangunahing kahinaan ng mahabàng tulang pasalaysay noong panahon ng Espanyol. At lagi itong itinuturing na palatandaan ng kamangmangan.
“Sa maikling salita, at sa pananaw ng makabagong kritisismo, ang anakronismo ay isang krimen sa kasaysayan.
“Dahil hindi tinutupad ng akda ang kahingiang pangkasaysayan, nasisira diumano ang itinatanghal na katunayan ng akda. Hindi na ito kapani-paniwala, gaya ng pagyayaring itinuturing na mga bunga lámang ng guniguni at malayò sa katotohanan ang mga awit at korido.”