May iba’t ibang uri ng palatandaang kontekstwal na maaring mapagbasehan ng kahulugan.
Depinisyon
Ang kahulugan o depinisyon ng bagong salitang pag-aaralan ay nakapaloob sa binabasa.
Halimbawa:
Sa butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay.
Paghihinuha
Ang estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay / opinyon / konklusyon mula sa mga katotohanan o katwiran.
Halimbawa:
Ang paligid ay kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa daigdig ang barungbarong, lusak na estero, nanlilimahid na babae’t lalaki.
Mahihinuha rito ang kahulugan ng paghihikahos sa tulong ng mga salitang lusak at nanlilimahid.
Paghahambing / Kontras
Ito ang pagbibigay-halaga sa mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba tulad ng pangatnig na subalit, pero, at ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng kahulugan ng isang salita sa isa pang salita.
Halimbawa:
Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa rin sa maraming nakasahod na kamay.
d. Pagsusuri
Ang pagsusuri sa pagkakabuo ng mga salitang-ugat at panlapi, nahuhulaan ng mag-aaral ang kahulugan ng salitang pinag-aaralan.
Halimbawa:
tao-tauhan, panalag-sinalag, digma-mandirigma