This word has at least two meanings, the first more common that the second.
remorse
pagsisisi
regret
pagsisihan
to be sorry for, regret
pinagsisihan
to have regret over
buntunan ng sala
blame, reprimand, reproach
pagsisisi / paninísi
blaming (noun)
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
paninísi: pagpapása ng kasalanan sa iba
pagsisísi: pag-amin at pagbabagong loob sa nagawâng pagkakasála
pagsisísi: matinding lungkot at panghihinayang sa naging bunga ng maling gawain o kapabayaan
PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at sama ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.
Pinagsisisihan ko ang lahat at alinmang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay. Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.