Tula ni Charis De Lumen
Paalam
Salitang hindi maunawaan
Katagang hindi mabigyang kahulugan
Bakit ba lahat ay may nakatakdang katapusan
Ngayo’y di mawari kung meron nga ba akong pagkukulang
Marahil ay masyado lang akong nagpapaapekto
Baka naman hindi ito kasing tindi ng iniisip ko
Mapait na matamis ang gagawin mong pag-alis
Masakit sakin dahil wala kang kapares
Kanina natulala at biglang napaisip
Ano nga ba ang ichura ng buhay na wala ka
Bigla akong napuno ng emosyon
Wala akong kasagutan sa aking mga tanong
Ang iyong paglisan ay hindi nangangahulugan ng katapusan
Ngunit gaano nga ba kabihira na magkaroon ng isang kaibigan
Sa lahat ng trip at pagkakataon ay lagi kang nandyan
At sa lahat ng kasiyahan at pagsubok ako’y iyong sinuportahan
Sinsabihan kapag ako ay may pagkakamali
Tinutuktukan kapag gagawa ng maling desisyon
Nasasaktan ako pag naiisip ang pag-alis mo
Sa iyong paglisan tunay na lahat ay magbabago
Ano man ang naghihintay sa iyong patutunguhan
Hangad ko ang iyong kaligayahan
Sa muli’t muli aking aasahan
Ang ating pagkikita, tapat na kaibigan
Maari po bang humingi ng permiso para sa aming proyekto?