ngí·ki
ngíki
shivering due to fever
In the olden days, like over a hundred years ago, this was the term used to describe the symptoms of malaria.
A folk remedy for this was a complicated procedure, the first step of which was a teaspoon of “sweet spirits of niter” (espíritu de nitro dulce) taken every two hours, which apparently was to encourage urination.
KAHULUGAN SA TAGALOG
ngíki: panginginig ng katawan dahil sa ginaw na dulot ng lagnat o mula sa labas ng katawan
pangíki, ngike
Ang pinakakaraniwang lagnat dito sa atin ay ang ngike, na madaling makilala dahil sa pa-ulit-ulit at sa pa-oras-oras ng lagnat na nangyayari sa tuwing ika dalawangpu at apat, apatnapu at walo, o pitongpu at dalawang oras, at dahil din naman sa tuwing sisibul ang lagnat ay pinangungunahan nig pangangaligkig.
LUNAS
Habang nilalagnat ay dapat uminom tuwing ikalawang oras ng isang kutsaritang espiritu de nitro dulse, (ipinagbibili sa botika) na, kinanaw na mabuti, upang magpawis at umihi. Pagkatapos makapagpawis, ang basang damit ay dapat alisin, pahirin ang pawis ng katawan, at bihisan ng tuyo. Pagkatapos ay dapat pakanin ang may sakit ng 1 tabletang 1/2 grano ng kalomelanos (ipinagbibili sa botika – mayroong 4 grano ng kalomelanos at 4 grano ng bikarbonato) tuwing kalahating oras, hanggang sa makakain ng anim na tableta.