Ang mga bagong likhang salita ay produkto ng likas na kakayahan ng mga Pilipino sa ‘paglikha’ ng mga salita.
pandiwa (mula sa panlaping pan- + diwa)
panlapi (mula sa panlaping pan- + lapi)
tatsulok (mula sa tat- ng tatlo + sulok)
parihaba (mula sa pari- ng pareho + haba)
Ang mga batang naturuan ng mga likhang salitang ito ay hindi nagtatanong kung paano nabuo ang mga ito ni nagbigay ng sagabal o resistansya sa pag-aaral sa mga ito. Ito’y nagpapatunay sa bisa ng preskriptibong uri ng pagtuturo ng wika.
Nitong mga hulinga panahon ay naririnig at ginagamit ang mga bagong likhang salitang gaya ng:
siglakas (sigla + lakas)
biglakas (biglang lakas)
tagislakas (tagisan ng lakas)
dulawit (dula + awit)
sayawit (sayaw _ awit)
lababad (laba + babad)
Ang paglikha ng mga salitang katulad ng mga nabanggit sa itaas ay walang gaanong resistensya sa pagtanggap ng mga taong gumagamit sa wika. Ang dahilan nito’y matutunghayan sa paggamit ng kilalang morpema na may sariling kahulugan na tumutulong na naglalarawan sa kahulugan ng bagong likhang salita.