root word: tanyag
natanyag
became famous
KAHULUGAN SA TAGALOG
natanyag: nabantog, naging tanyag, naging sikat
Ang bayan ng Noveleta ay natanyag sa kasaysayan bilang pugad ng mga manghihimagsik na Magdiwang sa lalawigan ng Kabite.
Sa kilusang ito natanyag ang mga pangalan ng mga paring Pilipino na sina Pedro Pelaez Jacinto Zamora, Jose Burgos at Mariano Gomez.
May isang panahong nahumaling ang marami nating manunulat sa pagsasalin ng mga akdang Kastila sa wikang Tagalog. Nangunguna sa kanila si Gerardo Chanco na siyang nagsalin sa Tagalog ng La Dama de las Camelias (Camille sa saling Inggles), na lalong natanyag dahil sa pagsasaopera noon na pinamagatang La Traviata ni Verdi.
Sa Katagalugan, natanyag na manunulat ng mga komedya sina Jose de la Cruz at Francisco Baltazar. Sa Pampanga, kinilala si Juan Crisostomo Sotto na tinawag ding Crisot. Sinulat niya ang inga dúlang Ang Sultan, Perla, Zafira at Rubi.