Talambuhay ni Jose Maria Basa

Jose Maria Basa (1839–1911) is better known as a patriot and a friend of Filipino national hero Jose Rizal.  He was born in Manila but in 1872 was accused of treason by the Spanish authorities and exiled to Hong Kong. It was there where his home became a meeting place for Filipino revolutionaries overseas. He died there and after a few years his remains were brought back to Manila and buried in the North Cemetery.

TALAMBUHAY NI JOSE Ma. BASA

Sino ang Pilipinong nakasapit sa Hong Kong na di nakakilala kay G. José Ma. Basa?

Gaya ng mga tunay na Tagalog, niyáng lipíng tinátakbuhán sa kanyáng mga ugát ng malinis na dugô ng mga Solimán, batà pa si G. José Ma. Basa ay nakápansín na ng mga katiwalian ng pagpapalakad ng nasirang Pámahalaán ng mga kastilà dito sa Kapuluán.

At nang sumapit siyá sa sapát na gulang, nang ang pagwawarì ay lalo nang maliwanag sa tulong ng pinag-aralan ay ipinagtanggól niyá ng úbos kaya sa lahát ng kátaón ang mga karapatan ng mga tubò rito sa atin. Ang ganitó niyáng mga kilos at gawî na kapansinpansín nang mga panahóng yaón na ang pagibig sa bayan ay kasalanang ikinamámatáy, ay nagíng sanhî ng boóng pagiingat sa kanyá ng mga naghahawak ng ugit ng Pámahalaán at di naglaón at si G. José Ma. Basa, kasama ni G. Antonio Regìdor, Parì Mariano Sevilla at iba pá ay pinagdadakíp at ipinatapon sa Pulô ng Marianas.

Ang kasalanang sa kanilá’y ipinaratang ay kinaalam «daw» sa hímagsikang kawal na nangyari sa Kabite niyaóng 1872, na ikinábitay ng magigitíng na Paríng Tagalog na siná Padre Burgos, Gómez at Zamora.

Ang panahón ay lumipas, at sumapit sa pangyayaring ang noón ay pinaguusig ay nagíng karangalan at kabayanihan.

Ilang buwan ding nanahanan sa Guam si G. José Ma. Basa at pagkuwa’y lumipat sa Sakop ng Inglés na bayan ng Hongkong at doón na ngâ namuhay ng may mga tatlongpuong taón. Sa bayang itó isinagawâ ni G. José Ma. Basa ang táhasa’t waláng kiling na paglingap sa kanyáng mga kalahì.

Kailan ma’t nakabalità si G. José Ma. Basa na may pilipinong lulan ang alin mang sasakyáng dádaóng doón, karakaraka niyáng ipinasásalubong at di tinútulutang tumulóy sa ibáng bahay kung mangyayari at ang kanyáng táhanan, dulang at hihingán ay handâ sa kanyáng mga kalahì.

Buhat kay Gat José P. Rizal, Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar at hanggáng sa kahulihulihang grumete ng mga sasakyán, ay kanyáng ginawaran ng pagkakandili sa lupaing yaón na napilì niyáng panahanán, kayá’t lagì siyáng nagíng sanggúnian, kanlungan at takbuhan ng alín mang pilipino na nangailangan ng kanyáng pagkukupkóp.

Isáng kahangahangang pagibig sa alin mang bagay na may kulay pilipino ang tinaglay ni G. José Ma. Basa, sa boó niyáng buhay. Ang kanyáng mga dulang ó hapág, mga likmuan, mga palamuti sa bahay, mga kasangkapan sa paglulutò, palyók, tapayan, lumbó at mga iba pang kábabakasán ng tinubuang lupà, saro, salakót, bilao, bakyâ, papag, ay nasa sa mabuting panig na lahát ng kanyáng táhanan. Tungkól buhat sa sariling lupà ay kanyáng ipinagmamalakí.

Kanyáng ipinagpáparangalan at kailán má’y hindi ikinahiyá sa mga tagaibang lupaing sa kanyá’y tumuloy, ang mga bagay na yarì sa Pilipinas.

Ang mga aklát ng ating mga kalahì ay iniingatan niyáng higít sa gintô sa kanyáng mayamang aklatan.

Buhat sa Hongkóng ay sumulat siyá sa mga páhayagan sa España at lagì niyáng pinasapit doón ang tanáng karaingan ng Pilipinas.

Namatáy si G. Ma. José Basa niyaóng ika 10 ng Hulyo ng 1907 na tagláy sa pusò ang kasiyahang loób na makatupad ng kanyáng katungkulan sa Tinubuang Lupà at sa tanan niyáng kalahì, lalong lalò na sa nangakasapit sa lupaing yaón ng mga Inglés na pinakipamuhayan niyáng mahigit na tatlong puong taon.

Isáng pangyayaring kapansínpansín sa himaling ni G. José Ma. Basa na di dapat maligtan bago tapusin ang bubót na alaalang itó sa kanyáng kagitingan, ay itóng sumusunod:

Kung siyá’y may nákikitang kalahì roon na dahil sa kakulangan ng mágugugól sa pagbalík sa sariling lupà, at walâ namáng hanap buhay bagáng panggágalingan ng isáng kabuhayang marangál, si G. José Ma. Basa ay may bukas na kamáy upáng sumaklolo sa násabing kalahì, matangì pa ang pabaon at kaupahán sa sasakyán hanggáng makabalík sa sariling lupà.

Isáng panahón ay may sumapit doóng panirang puri sa atin, na di ibá’t ang mga sipì ng mga hubô at hubád na mga igorrote na ipinangangalandakan niná Worcerter at mga kasamahán na yaón ang lahing nananahanán sa boóng Kapuluang Pilipinas at siyáng naghahagád ng kalayaan. Sa haráp ng panirang puring itó ay walang minainam si G. José Ma. Basa na panlaban kundi ang bilhín lahát ang mga siping nákita, na sa mabuting palad ay hindi naman káramihan, at ang lahát ay iningatan ng boóng pítagan, at ipinakita sa mga may aral na banyagà at anyá:

«Itó ang pinanggalingan ng aming lahì. Masdán ninyó ang pinagdaanán naming pag-unlád».

Ang sariling wiká ay minahál, linináng at ipinamana ni G. José Ma. Basa sa kanyáng mga anák na karamiha’y sa Hongkóng na nakákita ng unang liwanag.

Kay lakí ng pagmamahál ni G. José Ma. Basa sa alin mang bagay na may kulay Pilipinas. Nariyán ang isáng dakilang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *