root word: puspós (meaning: full, replete)
napuspos
became full, completed
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
puspós: ginawâ nang buong husay
puspós: ganap o lubos
Napuspos ng kaligayahan si Ka Totoy nang makatanggap ng sagot na liham mula kay Ka Ana.
Hindi napuspos ang pag-uusap ng dalawa sapagkat tumakbo ang una nang makapala ng isang bungo.
Ang Banal na Espiritu ng Panginoon ay bumaba mula sa langit sa anyong dila ng apoy at sila ay napuspos nito.
Nang kinaumagahan, napuspos ng pagkain ang hapag. Sarisaring pagkain bagaman ang nakararami’y yari sa matamis, sa mga krema, malapot na arnibal, katas ng prutas at pukyutan, tinapay at tsokolate, mga piling mani at bungang-kahoy na binalot ng asukal at iba pa.
Ang magandang kulay ay tumakas sa mukha ng dalaga at ang mata’y napuspos ng kalungkutan.
Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kabaaihan.”