This word appears in the Philippine literary classic Ibong Adarna.
Di takot na kagalitan
o parusa ng magulang,
kundi paanong matatakpan
ang nangyaring kataksilan.
Noon niya napagsukat
ang sa tao palang palad,
magtiwala ay mahirap
daan ng pagkapahamak.
Ibig sabihin: Noon niya nalaman na mahirap ang magtiwala sapagkat kadalasan ito ang nagdudulot ng kahamakan.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
napagsukat: nabatid, natuklasan, napagkaalaman, nalaman
salitang ugat: sukat