root word: munì (meaning: thought, idea, reflection)
napagmuni
thought, reflected
KAHULUGAN SA TAGALOG
napagmuni: napag-isipan alinsunod sa lohika at katwiran
Nang malaunan napagmuni-muni ni Pagsanghan na ang pagtatanghal ng mga ganitong uri ng dula ay lalong nakatutulong sa pagpapalaganap ng kolonyal na mentalidad sa ating mga Pilipino.
Napagmuni nilang ang kailangan ay ang ganap na pagtalikod sa dating panuntunan, ang pagkakaisa ng layunin na itindig ang sariling kapakanan at pagsisikap na nagbubuhat sa isang dakilang simulain.
Madaling napagmuni-muni ni Freud na ang mga panaginip na kadalasang isinasalaysay ng kanyang mga pasyente ay punungpuno ng mga pahiwatig tungkol sa mga natatagong damdamin na nagiging sanhi ng mga kaguluhang sikolohikal.
Napagmuni ni Don Diegong
mainam ang inga payo,
di man ibig na totoo
umoo na kay Don Pedro.
— Ibong Adarna
Napagmuni niya na di dapat palakihin sa layaw ang isang bata dahil mas maraming paghihirap kaysa kaginhawaan na makakaharap sa tunay na buhay.