root word: badha
napabadha: nabakas
Sa gayong pag-aakala
si Don Jua’y nagunita…
Sa daloy ng kanyang luha
may larawang napabadha.
Yaong dating nanaginip
na sanhi ng kanyang sakit
ang nakitang nakaguhit
sa larawang pagkalupit.
— Ibong Adarna
Sa mabuto at mabalbas niyang mukha,
May matinding kalungkutang napabadha
Nang makitang ang agila’y nanunuka.
Dumadagan sa makatarungang-budhi
Ang paghamak na nagiging pasang muli
Nitong kanyang pinalayang aping-lipi.
— Multo sa Apoy ng Isang Imno
Teo S. Baylen