NAKUKUTYA

root word: kutya (meaning: deride)

nakukutya: to feel derision, to feel ashamed

Bakit ka sa akin nakukutya
Mukha ko’y di nag-iiba
Kayat noong ako’y iwinasiwas mo
At sa labas ng linya bumagsak ang bola

Huwag ako ang sisihin
Sa kantiyaw ng kalaban
Ipukpok mo…

— Ang Tinig ng Raketa ni Martina Hingis sa Tennis Court


At di ka ba kaya nakukutya
Sa kaanakan mo’y ibuya
Ang hanap na kadusta dusta
Na sinusumpa ng madla?

Kung sila’y pinapatay
Binabaril, binibitay
Sa gawa mong kaliluhan,
Di ka kaya nagugulumihanan?


Nakukutya akong sisihi’t sumbatan
Ang kagandahan mong naging kalupitan;
Pagkat sa dimula ako rin ay ganyang
Sa isang magandang layuni’y linalang;
Ngayo’y ano ako? Lumakas na angkan!
Bahang nagbabanta ng kapahamakan!


Ako’y nakukutya sa sarili at hindi ko malaman kung ano’t siya’y napabayaan kong mamatay sa gayong napakaabang anyo at kalagayan. Siya’y namatay na sinasambit-sambit ang aking pangalan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *