In this short Tagalog poem, the poet is addressing a young woman in her teens, rhapsodizing about how akin to that of a princess her inner and outer beauty is.
MAGANDANG PRINSESA
Ipahintulot mo, dalagang mayumi,
Na ilarawan ko ang ganda mong ari,
Ipahintulot mong awitin kong lagi
Ang kagandahan mong makahibang-pari.
Bulaan ang madlang balitang Prinsesa
Kung sa ganda mo ng̃a’y makahihigit pa,
At para sa akin, ikaw’y siyang Reyna
Ng mga kapwa mong masamyong sampaga.
Ang kaharian mo’y iyang kagandahan,
Ang mg̃a buhok mo’t matang mapupung̃ay,
Ang paa’t pisng̃i mo ay siya mong yaman.
Sa dalang ugali, ikaw’y isang birhen,
Kamia ka sa bang̃o’t sa pagkabutihin,
Sa hinhi’y sampaga’t sa ganda’y… tulain.