NAKARIPANG

This appears to be an old spelling variation for the word nakadipang (root: dipa). Please feel free to add your comments in the Reply section below. Salamat.

MGA HALIMBAWA NG PAGGAMIT

Nakaripang puso
ay pinamutla na ng isang magdamag,
hanggang sa manlabo
ang munting ningas ko sa luhang pumatak.

— Manuel Principe Bautista


A! saan naroon
ang langkay ng ibon
nang mayamungmong pa akong punongkahoy,
at di nakaripang kurus sa kabaong?

Mga kaibigan
sa masayang araw,
tagumpay, ginhawa, dangal,
kasayahan, bulaklak, bituin…
…naparam, naparam.

— Amado V. Hernandez


Ang nangagbiting baging sa mga nakaripang sanga. At naisaloob niyang saglit na naging mapalad siya sa pagkakataong iyon. Nasa lilim siya at hindi katulad ng mga taong nasa bukirin at nakabilad sa nagbabagang sikat ng araw. At muling…


Lambot na lambot ang mga nakaripang kamay ni Melang. Nakabiling ito sa unan at waring naubos na ang lahat ng lakas na kailangan upang maisilang ang bata. “Kumusta, Ka Tindeng?” Nakatingin lamang ngayon ang hilot kay Melang.


Ang Pigtal na Dahon Rogelio C. Mangahas

…nang tingalain ko
ang duklay ng punong nakaripang nasa,
pilat ng kahapon
ang aking natanaw sa sangang may iwa;
pinaghuhumindig
ng luntiang dahon ang pananagana…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *