root word: hawán
KAHULUGAN SA TAGALOG
hawán: walang sukal; malinis; maaliwalas
nahawan: nawalan ng sukal; naging malinis; umaliwalas
Unang nahawan ang kapatagan sa kabilang ibayo ng sapa.
Umihip-ihip ang hangin. Unti-unting nahawan ang langit at nagpakita ang maliwanag na buwan at maraming bituin. Nakaupo si Esang sa tabi ng bintanang bahagyang bukas. Nakita niya ang sinag ng buwan sa palibot, sa mga damong nabasa ng ambon. Sa unahan, sa malawak na kapatagan, dumidilim na halos ang mga magulang na palay. Nalanghap niya ang halimuyak ng gumugulang na palay, sabay ng dapyo ng malamig na hangin.
Sa tapak ng mga paa, nahawan ang damo.
Sa dinaanan ng mga traktora, nahawan ang malaki’t maliliit na puno at nawala ang kaluntian at namatay ang kapayapaan at nagliparang palayo ang mga ibon at lumitaw ang mamula-mula manilaw-nilaw na lupa.