Intrapersonal (self), Interpersonal (with another), Group
1. INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
▶ Pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong pag-iisip o internal vocalization (Dance & Larson, 1972)
▶ Uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan ng isang tao, na nagdidikta ng kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid
▶ Mahalagang matutuhan ang intrapersonal na komunikasyon upang lalong maging malalim at epektibo ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
2. INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
▶ Pakikipag-ugnayan ng mga tao sa kanilang kapuwa
▶ Uring komunikasyon na ginagamit upang bumuo, mapanatili, at maging tumapos ng mga relasyon
3. PANGKATANG KOMUNIKASYON
▶ Ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang taong may iisang layunin
▶ Maaring maganap sa personal o maging sa iba pang platform gaya ng group chat sa social media at video