root word: salin
mapasalin: devolve; be transferred
mapasalin: pass on an item from one person to another
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
mapasalin: malipat, mapalipat
napasalin / napasasalin / mapasasalin
Ang gawaing ito ay parang isang ikid ng buhay na walang katapusan ang pagsasalin ng nauna sa nahuli, mula kay Ba Berto, ang kanyang lolo, sa kanyang ama, at ngayon, ay nagbabantang mapasalin sa kanyang balikat.
Nang mapasalin kay Harry S. Truman ang Panguluhan noong 1945, hindi siya naghintay nang matagal sa pagsipa sa lahat ng kagawad ng gabinete ng maka-Roosevelt.