This is an obscure Tagalog word that Filipino students encounter only in old Philippine literary texts, such as Ibong Adarna.
“Hindi gaanong masaklap
na mapatay ng kalamas,
sa akin ang dusa’t hirap,
masawi sa iyong linpag.”
“Ikaw baga’y nagbibiro
o ako’y sinisiphayo?
Hayo’t dito ay lumayo
taong lubhang mapaglako.
“Hindi kita kailangan
ni makita sa harapan,
umalis ka’t manghinayang
sa makikitil kong buhay.”
KAHULUGAN SA TAGALOG
mapaglako: mapagyabang, hambog
mapaglako: labis na pagmamalakí at pagtingin sa sarili
taong lubhang mapaglako: taong sobra ang yabang