MALAMYOS

root word: lamyos

KAHULUGAN SA TAGALOG

malamyos: malambing o makarinyo, lalo na sa pananalita

Nakita sana niya ang mutyang may nakapanrarahuyong kariktan, nakadamit ng manipis na habi, umiindak sa himig ng malamyos sa tugtugin. Ang prinsibini’y lalo pa manding nakapang-aakit sa ningning ng mga gayak niyang alahas.

Sa kanyang kakisigan, mapupuna ang malamyos niyang pagkilos at ang lambing sa kanyang mukha. “Maaari mo ba akong samahan?” ang tanong niya na isang alok sa akin. Hindi ko maintindihan subalit mahirap para tanggihan ko pa ito.

Maaaring saliksikin ang kasaysayan ng panitikang pandaigdig upang humanap lamang ng ganyang katotohanang nakapaloob sa malamyos na sukat at tugma!

Napansin din niya ang malamyos nitong boses na parang umaalingawngaw. Parang voiceover ng isang diwata sa mga fairy tale movie.

Naghintay ako ng walong ring ng telepono bago ko narinig ang malamyos niyang boses. Ang arte naman. Sino kaya ang iniisip niyang tumawag?

Gumagapang ang kanyang mga kamay, malamyos na malamyos.

One thought on “MALAMYOS”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *