root word: sáing
magsáing
to cook rice
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Magluto ng bigas upang maging kanin.
PAANO MAGSAING
1. Ilagay ang bigas sa kaldero at hugasan, mga dalawang beses na paghugas, gawing tatlo depende sa kalidad ng bigas.
2. Ilagay ang tubig. Sukatin ang dami ng bigas sa pamamagitan ng daliri. Sukatin din ang dami ng tubig.
Tip: Mas mainam kung hilaw kaysa malagsa. Ibig sabihin: ayos lang na kulangin ng tubig, huwag lang sobra.
3. Isalang ang kaldero at hintaying kumulo. Alisin ang takip, at ibalik uli.
4. Hinaan ang apoy kung in-in na, o yung kaunti na lang ang tubig. Puwede ring lagyan ng dahon ng pandan.
5. Tikman ang kanin, subukan kamayin. Kung sa tingin mo ay puwede na, hanguin na sa apoy.