Lyrics by Robert Labayen, Music by Jumbo “Bojam” De Belen
Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko
Bawat Pasko’y may dalang himala
Malakas man ulan ito’y titila
Bubuhos ang pagpapala
may kapiling ang nangungulila
Anumang lungkot tayo’y aahon
may lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa’t isa’y
mayro’ng paglingap
Mga pangarap
ngayo’y magaganap
Laging masaya
ang kuwento ng Pasko
Kahit sino ka man
may nagmamahal sa ‘yo
Ngayong kapaskuhan
ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig
ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko sa ‘yo
Sa ‘ting himig
nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko
Oh oh oh oh oh…
Oh oh oh oh oh…
Kuwento ng Pasko…
Mga alaala sa
Pasko’y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin oh…
Umuukit ng malalim
Yaman ng pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan
Laging masaya
ang kuwento ng Pasko
Kahit sino ka man
may nagmamahal sa ‘yo
Ngayong kapaskuhan
ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig
ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig sa’yo
Sa ‘ting himig
nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko