Sa Bawat Tahanan

Christmas Song performed by Nonoy Zuñiga

Composer: Levi Celerio

Sa bawat tahanan
Tayo’y mag-awitan
Ngayo’y Paskong araw
ni Kristong banal.

Tayo’y manalangin
At magpasalamat
Sa Diyos ng pag-ibig
Batis ng pagmamahal.

Ang buong mundo’y nagdidiriwang
Ngayong pagsilang ni Hesus
Sa madla siya ang inalay
Upang tayo’y matubos.

Mag-awitan, magsayawan,
Mag-indakan sa tugtuging masaya
Nagdiriwang, bawat tao
Pagkat araw ng Pasko

Lalalala… Lalalala…

Pasko’y dakilang araw
Likha ng maykapal
Kaya dapat na magdiwang
Habang tayo’y may buhay ~

Maligayang Pasko sa Bawat Tahanan ~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *