root word: daluyong
magdaluyong: to gush like a tsunami or giant waves
KAHULUGAN SA TAGALOG
magdaluyong: umalon nang malakas
magdaluyong: dumating o dumagsa tulad ng malalaking alon
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.