root word: kutok
kumukutok
to be cooing
(birds making cute noises)
…kumakakak ang liyad at palakad-lakad at naghahanap ng pagkaing dumalaga’t inahing manok; tumitilaok ang tandang na nakadapo sa itaas na bila ng bakod; kumukutok ang ibong batu-bato sa itaas ng kamatsile-ito at ang katahimikan sa nayon ang umaakay sa sanggol upang magpikit ng mata…
— Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sikat
Ang pagsiyap ay para sa “inakay na ibon” o “sisiw,” ang dumalagang manok ay kumakakak; pumuputak ang kapangingitlog na inahing manok; kumukutok ang humahalimhim o may akay at ang tandang ay tumitilaok.
Similar-looking Tagalog word: kulukutok