Written with a capital letter, Kulas is a male name. As a common noun, kulás is a term for a male servant.
Accented differently, kúlas is an obscure term for odd numbers.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kulás: sa malakíng titik, pangalan ng laláki
kulás: bansag sa laláking utusán (kulása kung babae)
Sa salitang Ilokano, ang kulás ay uod ng tutubi.
kúlas:gansál
Butal o maliit na labis sa anumang paghahatian na hindi na dapat iukol sa isa’t isa.
kúlas (kolokyalismo): tong; salapi na nagiging bahagi ng bangkero o ng may-ari ng pasugalan
Halagang naipon sa taguán ng tagapamahala ng anumang gawaing pinagkakakitahan (gaya ng bahay-sugalan).