gan·sál: odd number like 3. 5. 7, 9 or 11
pares: even number like 2, 4, 6, 8, 10 or 12
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
gansál: sa matematika, bilang na katulad ng 3, 5, 7, at iba pa na may butal kapag hinati sa dalawa
gansál: pagkakamalî o depekto, lalo sa tela, musika, o pagbigkas
SUKAT
Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
Pangkalahatang Kaurian
a. Gansal (5,7,9,11)
b. Pares (4,6,8,12,16,18,24)
Sa usapin ng sukat, mapapansing may malaking kinalaman ang sukat ng mga tulang lumaganap at naging popular noong panahon ng Espanyol sa malimit gamiting sukat sa kasalukuyang siglo.
Dalawa ang pangkalahatang uri ng sukat: sukat na pares (pares ang bilang ng pantig sa taludtod) at sukat na gansal (gansal ang bilang ng pantig sa taludtod). Sa dalawang natatanging sukat na ito, mas naging gamitin ng mga makatang Pilipino ang sukat na pares sanhi ng pamamalasak ng korido at pasyon na may sukat na wawaluhin at ng awit na may sukat namang lalabindalawahin noong panahon ng Espanyol hanggang sa bungad ng ika-20 siglo.


