kalawkaw: to stir liquid with a hand
kalawkaw: stir water or any liquid with hand or any other object
past tense: kinalawkaw
Pandilig na kinalawkaw
sa bunga’y makahihilaw.
Asar na asar ako. Nagpunta ako sa kusina. Nakita ko ang mga balde sa drum. Punung-puno ng inipong tubig ni Lolo. Kinalawkaw ko ang tubig. Bumaha sa kusina. Akala ko papagalitan ako ni Lolo. Hindi siya kumibo. Nakatingin lang sa akin. Ako ang sumukong umiiyak na nakatalungko sa isang tabi.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kalawkaw: paghalo o pagbati sa likido, labog
kalawkaw: halukay
kalawkawín, magkalawkáw