KABUNDUKAN

root word: bundok (meaning: mountain)

ka·bun·dú·kan

kabundúkan
mountains

kabundúkan
mountain chain

KAHULUGAN SA TAGALOG

kabundúkan: bundok o tanikala ng mga bundok

Bakit Kailangang Pangalagaan ang Kabundukan

Dapat nating pangalagaan ang ating kabundukan sapagkat ang taglay nitong mga hayop, punungkahoy at mga
likas na yaman ay napakahalaga sa ating pag-unlad.

Kapag ang isang lugar ay walang punungkahoy o anumang halaman, ito ay mistulang disyerto. Mainit ang Klima dito na tulad sa isang patay na lugar. Nawawalan ito ng pakinabang at mabilis ang erosyon ng lupa dito hanggang, mga bato na lang ang matira.

Subalit kapag may mga halaman dito, ang lugar ay nagkukulay luntian, maraming mga hayop na naninirahan at malamig ang simoy ng hangin at maaaring tirahan.

Sa mga halaman nakasalalay ang ating mga pangunahing pangangailangan sa buhay tulad ng pagkain, tirahan at pananamit. Gayundin, ang maraming gamot na pampanatili ng kalusugan at lurias sa karamdaman.

Maraming uri ng halaman ang natitipon sa ating kabundukan. Sa kabundukan matatagpuan ang mga malalaking puno at iba’t ibang uri din ng mga maliliit na mga halaman, hanggang ngayon ay tinutuklas pa rin ang maaaring mapakinabang sa mga halamang ito lalo na sa larangan ng medisina.

Ang kahoy ay galing sa malalaking puno at alam na alam natin ang kahalagahan ng mgaito. Sa kahoy kumukuha ng papel na gamit natin sa paglilimbag ng libro, diyaryo, magasin at mga dokumento.

Ang mga halaman ay nagdudulot ng lamig sa paligid. Kapag walang punungkahoy ay mainit ang singaw ng lupa at kung maraming punungkahoy ay lumalamig ang simoy kahit mainit ang araw. Sa kabundukan, ito ay pumipigil ng tubig sa bundok at ito rin ang pumipigil ng erosyon o mabilis na pagkawala ng lupa dulot ng ulan o baha.

Sa ngayon ay pinagbabayaran na natin ang ating kapabayaang ginagawa sa kabundukan at hindi mauubos ang mga punungkahoy para sa ating pangangailangan. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang nagdulot ng mabilis na paraan ng pagputol sa mga higanteng punungkahoy sa pusod ng kagubatan. Ang mga buldoser, dinamita, power saw, helikopter at iba pang makabagong makina ay mabilis na nagpapalagas ng mga malalaking punong ito. Tayo ay walang pakundangan sa pagputol hanggat may nakikita at ibig pa nating pakasagarin hanggang sa makalbo ang kabundukan. Tayo rin ang magdurusa. Papaano nga ba ito?

Ang pagputol ng malalaking punungkahoy ay may chain reaction sa kapaligiran. Kapag pinutol ang malalaking puno ay kasama din nitong pinutol ang mga ibang maliliit na halamang umaasa sa lilim o lamig na ibinibigay ng isang malaking puno. Ang mga ito rin ay halamang umaasa sa lilim o lamig na ibinibigay ng isang malaking puno. Ang mga ito rin ay namamatay. Dahil umiinit o nawawalan ng lilim ang lugar sa tag-araw ay mabilis matuyo ang lupa at mabilis namamatay ang mga iba pang maliliit na puno na umaasa sa lamig na ibinibigay ng nawalang punungkahoy.

Mas maraming puno ang putulin, mas mainit ang dulot nito sa paligid. Mas natutuyo ang lupa sa tag-araw, mas maraming maliliit na halamang mamamatay. Ang huling matitibay na halamang maaaring matira ay damo subalit sa tag-araw mamamatay din ito kapag matagal na hindi malaunan.

Kapag wala nang punosa kabundukan lalonasa lugar na matataas o matatarik ay mabilis na matatangay ang mga lupa. Alam nating ang mga malalaking ugat ng puno ay humahawak sa lupa para hindi ito matangay ng tubig ulan at pumipigil pa nga ito ng mga tubig.

Kapag wala nang punong humahawak sa lupa lalo na iyong matatarik o matataas na lugar ay nagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa dahil natitibag ito ng baha o ulan. Mas lalong nakakalbo ang bundok ay lalong mabilis ang pagbaha. Ang pangunahing mga kalsada na nasa bundok ay nawawalan ng silbi kapag natabunan ng landslide. Ang niadalas na pagbaha ay hindi lang dulot ng ulan kundi na rin ng ating kapabayaan o walang pagpapahalaga sa mga punungkahoy sa kabundukan. Marami na ang nagdusa, nagbuwis ng buhay at nawasak na ari-arian dulot ng baha.

Sa pagkawala ng mga punungkahoy sa kabundukan ay nawawala rin ang mga hayop na umaasa rito. Isa na ang ating ipinagmamalaking monkey-eating eagle na sa Pilipinas lamang natatagpuan. Dahil na rin sa wala silang matirahan ay nawawala o dumadalang na ito. Gayon din ang mga iba pang mga hayop sa kagubatan.

Tunay na kapag hindi natin pinangangalagaan ang ating mga kabundukan, tayo rin ang magdurusa at tatanggap ng kaparusahan sa mga masasamang idudulot nito sa ating lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *